Sa Pasko ng Pagkabuhay, maikling kuwento lang po patungkol sa kabayanihan ng mga OFWs.

Ang M/V Erasmusgracht ay isang Dutch general cargo ship na may higit kumulang na 10 Pinoy na marino on board. Noong ika-6 ng Disyembre, 2014, ang barko at ang magigiting na crew members nito ay nag-salba at nag-likas ng 393 na Syrian refugees sa Ionian Sea, mga 250 milya ang layo sa Timog Silangan ng Italia.

Stranded ang barko ng mga Syrian refugees, kabilang ang mga bata at sanggol, na iniwanan ng crew ng kanilang barko kahit walang pagkain at tubig.

Ani Kapitan ng Erasmusgracht na si Joop van Zadel: "All night, the crew moved around looking after the refugees and providing food and water continuously ... The commitment of the crew and the good behavior of all refugees had been of utmost importance."

Mabuhay ang crew ng M/V Erasmusgracht!

Mabuhay ang Pilipinong Marino!

Mabuhay ang mga OFW!

Happy Easter po!


Reply · Report Post