TwitLonger

@dessverzosa Happy days are here again sabi nga ni Barbra Streisand. I am posting this photo dahil sa kasiyahang umuusbong sa ganda mo ngayon. Kung natatandaan mo minsang nag kuwentuhan tayo, napagkasunduan natin na hindi natin kelangang maging masaya
all the time for the simple reason na hindi tayo mga robot. Hindi man madali ang mga napagdaanan mo kamakailan, ang masasabi ko lang bilang kuya mo ay ito: sa bawat hampas ng delubyo sa bawat kanto ng pag-iisip mo, sa mga patikim ng pait (o asim) na idinidirehe ng utak mong sadyang pinagpala, sa alat ng mga dumaang luha sa mga labi mo at kung ano ano pang split at tumbling na sumubok sa iyo - - - lahat ng mga iyon ay nagpunong abala sa pag-apaw ng isang babaeng matapang (na anak ni Nenita at apo nina Zenaida at Angeles) ang sikmura, batid ang mga bagay bagay na hindi maintindihan ng ordinaryong tao at higit sa lahat, alam kung ano ang mga nagpapasiya sa sarili niyang disposisyon. Classic ito: keep your inner child alive. Alam kong alam mo yan.
Ang bilin ko ay mahalin ang sarili at bigyang atensyon at aruga ang mga mas nangangailangan sa paligid mo. Sabi nga ni Ely Buendia: huminga ng malalim at tayo'y lalarga na . . .
Maligayang Kaarawan.

http://tl.gd/jve75l · Reply
Report post (?)