@thesupergd
TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat
I. INTRODUKSYON
Kaligiran ng Pag-aaral
Paglalahad ng Layunin
Saklaw at Limitasyon
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
Kahalagahan ng Pag-aaral

II. EPEKTO NG ONLINE LEARNING
SA MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON
NG KURSONG BS IN ACCOUNTANCY

Instrumentong Pananaliksik
Tritment ng mga Datos
Paglalahad at Pagsusuri ng mga
Datos at Resulta ng Pag-aaral

III. LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Lagom
Kongklusyon
Rekomendasyon

Listahan ng Sanggunian

Apendiks

A. Liham sa Dekana
B. Liham sa Respondente
C. Halimbawa ng Talatanungan (Hindi pa nasagot)
D. Halimbawa ng Talatanungan (Nasagot na)

Curriculum Vitae

Glenn Dave Baltazar
Micah V. Joaquin
Dane Taguicana
Rosemarie Jane Ustare

I. INTRODUKSYON
Kaligiran ng Pag-aaral
Sa panahon ngayon, marami na ang nabago sa kapaligiran. Sa klima, sa uri ng pamumuhay ng mga tao, at sa teknolohiya. Ito’y ilan lamang sa mga pagbabagong nararanasan ng tao sa kanyang paligid. Mapapansin natin, noong unang panahon ay mas simple ang pamumuhay ng mga tao bunsod sa mabagal na pag-imbento ng mga makabagong produkto at instrumento. Ngunit sa paglipas ng panahon, bumilis ang paggawa ng mga makabagong produkto at instrumento. Ito ay dulot ng teknolohiya.
Ang teknolohiya ay isang paraan o metodo para makagawa o makaimbento ng mga bagong produkto at instrumento upang mas mapabilis pa ang mga iba’t-ibang gawain. Ito ay proseso kung saan ang mga tao ay gumagamit ng mga kagamitan para mapaunlad ang kanilang kontrol at pag-unawa sa kapaligiran. Marami na nga talagang naidulot ang teknolohiya. Maging ang mga sinaunang kagamitan ng ating mga ninuno ay maituturing na teknolohiya. Pero sa paglipas ng panahon, mas bumilis ang pag-iral nito. Napaunlad nito ang mga sektor ng inprastraktura, agrikultura, ekonomiya, at maging ang edukasyon.
Sa kasalukuyan, may malaking impluwensiya ang teknolohiya sa edukasyon. Halimbawa, ang mga kompyuter ay nakakatulong sa mga mag-aaral para mapabilis ang kanilang mga gawaing pang-akademiko tulad ng mga takdang-aralin, mga proyekto at maging sa mga researches. Dagdag pa rito ang mga aplikasyong ibinibigay ng kompyuter sa mga mag-aaral tulad ng mga scientific calculator, kompak na diksyunaryo, mga detalyadong mapa at iba pa. Kung iisipin nating mabuti, ang ating ekonomiya ay pinapatakbo ng mga kompyuters sa pamamagitan ng mga marunong gumamit nito. Upang patuloy na yumabong ang ekonomiya, dapat ay patuloy ang paggamit ng kompyuter sa pamamagitan ng mga taong alam gamitin ito. Pero paano natin mapapanatili ang karunungan sa paggamit ng kompyuter? Kaya naman, kailangan ang paaralan upang ituro ang tamang paggamit ng kompyuter. Sa katanuyan, may mga guro na ring nagtuturo ng kanilang mga estudyante sa pamamagitan ng internet. Ito ay tinatawag na Online Learning o E-Learning. Ang E-learning ay isang paraan kung paano makakalap ng karunungan sa pamamagitan ng internet. Kumpara sa tradisyunal na pagtuturo, na kung saan magtuturo ang guro sa loob ng isang silid, ang e-learning ay mas abot-kaya ng bulsa. Ito’y sinang-ayunan ni Belen sa kanyang pahayag na: E-learning is the easiest and most inexpensive way to transfer knowledge. Bukod sa mas abot-kaya ito, mas pinipili ito ng mga mag-aaral dahil sa mas aksesibol ito sa mga impormasyon. Ito’y umaayon sa pahayag ni Quezon III (2006):
“Schools are increasingly incapable of adequately investing in books, and even when they have decent libraries, students tend to go to the Internet rather than books for information.”
Ang E-learning ay may tatlong uri. Ito ay ang mga Live o Synchronous E-learning, Asynchronous o Store and Forward E-learning at Blended Learning. Ang Live o Synchronous E-learning ay isang uri ng E-learning kung saan ang komunikasyon ay nangyayari sa mga indibidwal habang nangangalap ng impormasyon. Halimbawa nito ay mga real-time chat at video-audio conferencing o virtual classroom. Ito ay naghahandog ng mas mabilis na feedback para makita ang performance ng isang estudyante at para malaman kung dapat iadjust ang pag-aaral kung kinakailangan. Ang Asynchronous o Store and Forward E-learning naman ay nangyayari kung ang komunikasyon ng mga indibidwal ay hindi madalas mangyari. Halimbawa nito ay pagkuha ng self-paced course, pakikipagpalitan ng e-mail messages sa guro at pagpost ng mga mensahe sa isang discussion group. Ang E-learning na ito ay mas convenient at mas mabilis i-access. Pero, sa uri ng E-learning na ito, ang mga mag-aaral ay maaaring hindi mamotivate sa kadahilanang wala masyadong interaksyon ng mga guro at estudyante. Ang Blended Learning naman ay kombinasyon ng tradisyunal na pagtuturo, at mga gawain sa internet kagaya ng e-mail, announcements, discussion boards at quizzes. Ang mga mag-aaral ay makakakuha ng mga feedback mula sa kanilang tests at quizzes para makita ang gap ng kanilang karunungan at lebel ng pag-unawa.
Ang E-learning ay pwedeng gamitin ng kahit na ano mang klase ng tao. Sa kasalukuyan, maraming estudyante sa kolehiyo ngayon ang nakaranas nito at nakakaranas pa rin. Maaari ring ang mga special children ay sumubok sa E-learning. Sa kadahilanang mahirap palabasin sila sa kanilang tahanan at mahal pag-aralin ang mga special children, mas mainam din na sila ay sumubok sa E-learning.
Ang edukasyon ay hindi maaaring magpatuloy, kahit gaano pa kataas ang antas ng teknolohiya sa mga panahong ito, kailangan pa rin ang mga guro sapagkat sila ang nagbibigay kahulugan dito. Kung ano ang itinuturo nila sa mga mag-aaral ay siya ring matututunan ng kanilang mga mag-aaral. Ang mga guro ang tagapamahala ng edukasyon at tagahulma sa akademikong kakayanan ng mga mag-aaral. Ang mundo sa panahong ito ay nangangailangan ng mga globally competitive na mga gradweyt na handang harapin ang anumang trabaho at kayang makipagsabayan sa mga ibang lahi. Upang maiangat ang kalidad ng edukasyon, kailangan munang ihanda ang lahat ng guro na maging mas malikhain at mapag-isip sa mga istratehiyang makakatulong sa mga mag-aaral gaya na lamang ng paggamit ng e-learning. Nabanggit nina Hargreaves at Fullan (2008) na ang mga iniisip ng mga guro at ginagawa nila sa loob ng isang silid-aralan ang huhubog sa uri ng edukasyong matututunan ng mga mag-aaral. Kung ano ang iniisip ng guro sa loob ng isang silid-aralan, ito ay makakaapekto sa kanyang pagtuturo. Kung ano ang ginagawa ng isang guro sa loob ng silid-aralan, ito ay matututunan ng mag-aaral at mayroon itong malaking epekto sa mag-aaral. Maaaring makakatulong ito o hindi. Naniniwala rin si Prensky (2008) na ang pinakamahusay na paraan para matuto ang mga mag-aaral ay ang pakikisalamuha sa mundo, at hindi lamang sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro. Ang edukasyon ay hindi lamang napapaloob sa libro. Ito rin ay makikita sa kapaligiran. Marami ring matututunan kung alam mong tuklasin ang mga bagay-bagay sa mundo. Sa patuloy ng paglaganap ng teknolohiya, mainam lamang na makipagsabayan rin ang edukasyon dito.
Paglalahad ng Layunin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto ng online learning sa mga mag-aaral ng unang taon ng kursong BS in Accountancy.
Nais din nitong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Anu-ano ang epekto ng Online Learning sa mga mag-aaral sa unang taon ng kursong BS in Accountancy?
2. Paano nakakatulong ang Online Learning sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa unang taon ng kursong BS in Accountancy?
3. Gaano kinagigiliwan ang Online Learning ng mga mag-aaral sa unang taon ng kursong BS in Accountancy?
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa mga mag-aaral kabilang sa unang taon ng kursong BS in Accountancy ng CBEA (B, D at E) maliban sa mga seksyong A at C na hindi kumukuha ng Online Learning. Ang pag-aaral na ito ay gagawin sa MMSU-CBEA Batac City, Ilocos Norte sa A.Y. 2011-2012.
Kahalagahan ng Pag-aaraal
Binigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang mga saloobin at opinyon sa mga epekto sa kanila ng Online Learning.
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro upang malaman nila ang epekto ng ganitong sistema ng pagtuturo na magsisilbing basehan ng kanilang desisyon kung gagamitin nila ang ganitong sistema. Mahalagang malaman nila ang epekto ng Online Learning sa kanilang mga mag-aaral upang mas maayos ang pagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral na klaro, nauunawan, at walang ilangan.
Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa Administrasyon ng Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos bilang basehan kung ipapatupad ang ganitong sistema ng edukasyon sa unibersidad.
EPEKTO NG ONLINE LEARNING SA MGA MAG-AARAL
SA UNANG TAON NG KURSONG BS IN ACCOUNTANCY

Ang kabanatang ito ay naglalahad, nagsusuri, at nagpapakahulugan ng mga datos na nalikom para sa pag-aaral na ito. Ipinapakita rin sa kabanatang ito ang mga intstrumento ng pananaliksik at statistikal na tritment ng mga datos.
Instrumento ng Pananaliksik
Sa paggawa ng pananaliksik na ito, gumamit kami ng mga talatanungan para sagutin ng mga respondent upang magkaroon at makakalap kami ng mga datos hinggil sa epekto ng Online Learning sa mga estudyante. Ang mga datos na nakuha naming ay nagdulot ng malaking bahagi sa ikakatagumpay ng pag-aaral na ito.
Tritment ng mga Datos
Upang masagot ang mga tiyak na katanungan, ang mean ay ginamit sa pagsusuri ng datos na ginamit sa pagkuha ng tiyak na antas ng bawat epekto ng Online Learning sa mga estudyante. Sa Graph I, kinuha namin ang bilang ng mga sumagot na respondente at gumawa ng pie graph para ipresenta ito. Sa Graph II at III, bar graph naman ang ginamit namin para ipresenta ang mga datos na nakalap. Sa Graph IV naman, kinuha namin ang mean o total ng bawat aytem na nakalagay sa aming talatanungan at idinivide namin ito sa 90 sapagkat 90 estudyante ang aming mga respondente.

Paglalahad at Pagsusuri ng mga Datos at Resulta ng Pag-aaral
Graph I: Oras na Ginugugol sa Pagkokompyuter sa Isang Linggo

Ipinapakita ng graph na ito kung ilang oras ang ginugugol ng mga estudyante sa pagkokompyuter sa isang linggo. Batay sa datos na aming nakalap, 32 estudyante (36%) sa kabuuang respondente ay 1-3 oras lang sila gumagamit ng kompyuter sa isang linggo. 25 estudyante (28%) naman ang gumagamit ng kompyuter sa loob ng 4-6 oras sa isang linggo. 22 estudyante (24%) naman ang gumagamit ng kompyuter ng 10 oras at mahigit. 11 estudyante (12%) lamang ang gumagamit ng kompyuter sa loob ng 7-9 oras sa isang linggo. Sa kabuuan, 90 estudyante (100%) ang aming natanong.


Graph II: Paano Nakakatulong ang Online Learning sa mga Estudyante

Ipinapakita ng graph na ito kung paano nakatulong sa mga estudyante ang Online Learning. Batay sa mga datos na aming nakalap, 63 estudyante ang nagsabing napapadali raw ang paggawa ng mga rekwayrment dahil sa Online Learning. 47 estudyante naman ang nagsabing nakadaragdag ng bagong kaalaman ang Online Learning. 31 estudyante naman ang nagsabing nakakatulong ang Online Learning sa kanilang social life. 10 estudyante naman ang nagsasabing natutuunan nila ng pansin ang leksiyon sa internet. 8 estudyante naman ang nagsabing naiintindihan nila ng mabuti ang leksiyon. Sa kabuuan, 159 lahat ang bilang nito. Ito’y dahil sa aming talatanungan, maaaring pumili ng higit sa isa ang aming mga respondente.
Graph III. Gaano Kinagigiliwan ng mga Estudyante ang Online Learning

Ipinapakita ng graph na ito kung gaano kinagigiliwan ng mga estudyante ang Online Learning. Sa markang 1-5, na kung saan ang pinakamababa ay ang markang 1 at ang pinakamataas ay 5, binigyan ng rating ng aming mga respondente kung gaano nila kinagigiliwan ang Online Learning. 50 estudyante (56%) ang nagbigay ng markang 3. 25 estudyante (28%) naman ang nagbigay ng markang 2. 9 estudyante (10%) naman ang nagbigay ng markang 4. 4 estudyante (4%) naman ang nagbigay ng markang 1. 2 estudyante (2%) naman ang nagbigay ng markang 5. Makikita dito na marami ang myutral. Makikita rin dito na dalawa lang ang sobrang kinagigiliwan ang Online Learning habang apat ang hindi ito masyadong kinagigiliwan.




Graph IV: Epekto ng Online Learning sa mga Estudyante


Ipinapakita ng graph na ito kung ano ang mga epekto ng Online Learning sa mga estudyante. Batay sa mga datos na aming nakalap, ang pangunahing epekto ng Online Learning ay “napapadalas ang pagbisita sa internet” na nakuha sa average na 3.04. Sumunod naman ang “mas napapadali ang paggawa ng mga proyekto” na may 2.92 na average. Sumunod naman ang mga “nadaragdagan ng kaalaman hinggil sa paggamit ng kompyuter” at ang “nagkakaroon ng dahilan para mag-online” na nakakuha naman ng 2.87 na average. Sumunod naman ang “nakakasira ng mata” na nakakuha naman ng 2.82 na average. Sumunod naman ang “mas napapalawak ang social life” na nakakuha ng 2.71 na average. Sumunod naman dito ang “nakakasira ng schedule” na may average na 2.68. May average namang 2.62 ang “napapadalas ang pandaraya lalo na sa mga rekwayrment at proyekto”. Sumunod naman dito ang “nakakasira ng kalusugan na may 2.55 na average. Sumunod naman dito ang “hindi nakakakain ng tama sa takdang oras” na may 2.43 na average. Ang “nagdudulot ng pinansyal na problema” ay may average naman na 2.36. Sumunod naman dito ang “naiintindihang mabuti ang leksiyon” na may 2.17 na average. 2.12 naman ang average ng “nakakatipid ng oras sa pag-aaral.” Sumunod naman dito ang “mas natutuunan ng pansin ang leksiyon sa internet” na may 2 na average. Sumunod naman ang dito ang “nakakaunlad ng study habits” na may 1.92 na average. Panghuli sa lahat ang “nagbigigay ng magandang relasyon ng guro at estudyante” na may 1.69 na average.








LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Inilalahad sa kabanatang ito ang lagom, kongklusyon at mga rekomendasyon tungkol sa isinagawang pag-aaral.
Lagom
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang mga iba’t-ibang epekto ng Online Learning sa mga mag-aaral sa unang taon ng kursong BS in Accountancy.
Sinikap din ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1) anu-ano ang mga epekto ng Online Learning sa mga mag-aaral, 2) paano nakakatulong ang Online Learning sa mga mag-aaral, at 3) gaano kinagigiliwan ng mga mag-aaral ang Online Learning?
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mean na statistikal tool para madetermina ang average ng mga sagot ng mga mag-aaral sa mga epekto ng Online Learning sa kanila.
Upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito, sinunod ang mga hakbang na sumusunod: pagbasa ng mga kaugnay na literatura at natapos na pag-aaral, pagpili ng mga sabjek, paggawa ng mga survey form, pag-analisa sa mga nakalap na datos at pagbibigay ng kongklusyon hinggil sa nakalap na datos.


Kongklusyon
Batay sa mga datos na aming nakalap, may mabuting naidudulot ang Online Learning sa mga estudyante pero mayroon din naman itong naidudulot na hindi mabuti. Ayon sa aming nasaliksik, ang pinakamabuting epekto ng Online Learning ay mas napapadali ang paggawa ng proyekto ng mga mag-aaral dahil sa internet. Ang pinakamasama namang epekto nito ay ang napapadalas ang kanilang paggamit ng internet. Masama ito dahil magastos at maaring makasira ng kalusugan.
Hindi gaanong kinagigiliwan ng mga nasa unang taon na estudyante ng BS in Accountancy ng Mariano Marcos State University ayon sa mga datos na aming nakuha hinggil sa Online Learning. Ang pangunahing rason kung bakit hindi nila kinagigiliwan ito ay ang napapadalas ang paggamit nila ng internet at nawawalan na sila ng panahon para makisalamuha sa ibang tao. Hindi lahat ng mga estudyante ay may kaya sa buhay at masyadong magastos ang Online Learning kapag wala kang sariling kompyuter. Ang Online Learning ay maganda kapag ikaw ay mayaman pero kapag ikaw ay mahirap, hindi ito babagay sa iyo. Pero ang Online Learning ay mainam din para sa mga estudyanteng walang pangtuition at maaaring mas mura pa ito kaysa sa pag-aaral sa kolehiyo.




Rekomendasyon
Batay sa mga nabanggit sa aming lagom at kongklusyon, ibinibigay ang sumusunod na rekomendasyon:
Iminumungkahing ang mga gurong gagamit ng Online Learning ay hindi dapat masyadong madaliin ang paggamit nito. Maaaring madalang lang ang paggamit nito sapagkat nag-uumpisa pa lamang ito at nag-aadapt pa ang mga mag-aaral sa ganitong uri ng edukasyon o pag-aaral.
Iminumungkahi rin sa mga ibang mag-aaral na hindi pa nakaranas ng Online Learning na subukan nila ito para hindi sila masyadong mabigla kung magkakaroon man sila nito.

Reply · Report Post